1.3M ni De Lima, PINABUBURA

6:03 AM


Maliban sa kinahaharap na kaso sa Senate committee on ethics, isa pang petisyon ang kinahaharap ni Sen. Leila De Lima para siya ay mapatalsik sa Senado.

Isasalang na sa pagdinig ng Senate Electoral Tribunal ang protesta ni dating MMDA chairman Francis Tolentino laban sa pagkakapanalo ni Sen. Leila de Lima noong nakaraang eleksyon.

Sa inihaing kaso ni da­ting Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino sa Senate Electoral Tribunal (SET), pinabubura nito ang nakuhang 1.3 milyong boto ni De Lima sa nakaraang senatorial elections.

Batay sa SET case No. 001-16, partikular na ipinoprotesta ni Tolentino ang agad na pagproklama sa dating Justice secretary sa kabila ng kinikwestyon umanong mga boto mula sa overseas absentee voting (OAV).

Hindi pa rin daw tapos ang bilangan nang ideklarang panalo ng Comelec si De Lima.

Si De Lima ay ika-12 nanalong senador sa nakaraang halalan at ika-13 si Tolentino. Kung papaboran ng SET ang petisyon ni Tolentino sa pagbura ng 1.3 milyong boto, lalamang ito sa senadora ng 37,028, at maaaring iproklama bilang ika-12 nanalong Senador.

You Might Also Like

0 comments

Subscribe